myspace matrix graphics - http://www.matrixtext.com


   
 
  ABOUT ME 3


       Okey lang ang mga sumunod kong mga taon sa pagpapatuloy ng high school life ko. Naging kaklase ko sa 3rd year ang isa sa mga barkada ko nung 2nd year, si Asyong. Galante si Asyong, pareho kaming waldas sa pera pagdating sa ikasasaya namen. Siya ang laging kong kasama noon lalo na nang medyo nagkalabuan kaming magkakabarkada sa kadahilanang hindi nila ako nabati noong araw ng birthday ko kaya nagtampo ako sa kanila. Saka madalas nilalangaw na ang tambayan namen at mga special occasion kasi laging maraming absent. Isa sa mga matinding iniyakan ko ng 3rd year ako ay ang pagkamatay ng aking kaibigan. Hindi na kasi siya nakapagpatuloy ng 3rd year kasi dahil na rin sa mahal ang tuition fee. Noon ngang 2nd year kami madalas napapautang ko pa siya ng pamasahe, minsan ayaw ko na pabayaran pero nagtatampo siya kapag hindi ko tinatanggap. Masakit saken ng makita ko siyang nakahiga sa kabaong dahil napakabait niyang ate, anak, at kaibigan. Kahit na isusubo na lang niya ay itatabi pa niya para sa mga kapatid niya. Minsan nasira ang sapatos niya, umangat ang swelas. Halos buong klase ay nagtulong tulong sa pag nguya ng bubble gum pandidikit sa sapatos niya. Masakit din sa akin na hndi ako nakapunta sa kanyang libing dahil hindi ako pinayagan ng aming principal. Bukod dun wala na me masyadong maalala sa aking 3rd year. Pagdating ko ng 4th year ay dun ko nakilala ang mga bago kong barkada, si John "Playboy", Vincent "Killer Eye" at si Mark "Crush ng Bayan". Kami ni Vincent ang laging magkasa sa mga weird trip kasi naman si John laging walang inatupag kundi mangchicks at makipagEB sa mga katextmate niya. Mayaman si John kaya kapag lumalabas kami minsan pinagpapalit niya ako ng mga damit niya para naman daw hindi ako magmukhang body guard. Simple lang kasi ako manamit, ndi kasi ako maluho sa damit. Pinakamasakit na nangyari saken ng 4th year ako ay ng tanggihan ako makipagsayaw ng MU ko nung 3rd year na hindi ko naligawan kasi natakot me masira ang friendship namen. Pero nakasayaw ko naman ang textmate ko na crush ng 4th year. Pag uwi namen galing sa JS ay nag ghost hunting kami sa abandon hospital sa Clark. Wala naman kami nakita kaya pumunta na lang kami sa bahay ni Leslie ang pinsan ni John. Doon nag inom na lang kami hanggang umaga. Bukod sa mga barkada ko sa klase ay nakaroon din ako ng ibang mga kaibigan na may mga 3rd eye. Bukod dun wala na akong maalala pa na magandang nangyari saken sa 4th year at kung meron mang hindi magandang nangyari nun ay kinalimutan ko na at napatawad ko na sila. Hindi naman nila alam ang ginawa nila eh, nakiuso lang naman sila. Pero bago ko wakasan ang yugto ng high school life ko, nakilala ko po si Mrs. Timbol, siya ang nagsabi sa akin na sundin ko ang puso ko sa pagpili ng kurso sa college. Nagtapos ako ng high school without flying colors.hehe!
Bago ako magcollege ay naging girlfriend ko si Rebecca. Siya ang taong pinakanakakakilala saken pangalawa sa aking ina. Pagdating ko ng college nagkaroon ako ng shifting of interest. Nag-umpisa na akong maging seryoso sa buhay ko. Nang mga unang taon ko ay hindi pa ako hirap, kahit na nag aaral ako at nagtatrabaho kayang kaya ko kasi pang umaga ang pasok ko. Pero ng sumunod na taon ay nahirapan na ako kasi panggabi na ang klase ko. Pangalawang taon ko sa college ng mauhaw ako sa kaalaman, hindi na ako makuntento sa turo sa apat na sulok ng paaralan. Doon ako napasok sa organization ng mga aktibista. Marami akong natutunan sa mga pag aaral namen ng kalagayan ng lipunan, aktwal ko kasi nasilayan ang mukha ng Pilipinas. Nakasalamuha ko ang mga masa, at ang isa sa mga karanasan kong hindi malilimutan sa pag aaktibista ko ay ang Hacienda Luisita Massacre, muntikan na kasi ako madamay sa mga namatay, nung gabi ng November 15 bago ang madugong pagpaslang ay nandoon ako at nakikiisa sa mga nag aaklas, nagbibigay ako ng lecture ng mga legal na batayan at dapat na maging hakbangin sa pakikipaglaban ng karapatan nila. Umaga ng Nov. 16, ay lumabas ako dahil may pasok ako, kinahapunan pag uwi ko ay tumawag saken ang kadre ko at ibinalita ang madugo at marahas na pangyayari sa lugar na muntikan ko ng hindi nilisan kung nagkataong wala akong pasok nung araw na iyon. Nakaranas din ako na madahas ng mga pulis at militar, minsan sa isang rally na pinamumunuan ko ay pinagtangkaan akong damputin ng mga pulis pero ipinaglaban ako ng mga taong pinamumunuan ko. Ang pinakamaituturing ko na pinakamalaking tagumpay ko, ay ang "NO TUITION FEE INCREASE" ng isang taon sa aming university. Kahit pa ang mga dilawan ay inaangkin ang karangalang iyon wala akong pakialam sa karangalan dahil para sa akin ang masa ang tunay na nagwagi sa hindi pagtaas ng tuition fee. 4th year college na ako ng maglilow sa pagiging aktibista. Pero ang dugong makabayan ay kailanman hindi nawala sa dugo ko. 4th year din ako ng sumali ako sa Mr. and Ms. Education, katuwaan lang ng batch namen, dahil maganda ang magiging partner ko pumayag na rin ako,hehe! Sinwerte naman ako na mapanalunan ang titulo na Mr. Education at isang minor award. At dahil sa pagkapanalo ko ay ako ang nagrepresent ng department namen para sa Mr. & Ms. University, pero inalat ako kasi napag iwanan ako sa height, kahit isang award wala akong nakuha, luto kasi. Just to sum it up, natapos ko ang kurso kong BSEd Mathematics at naipasa ko ang LET ko ng may magandang marka. Kaya ngayon teacher na ako. Dito ako nagtuturo ngayon sa payak na bayan ng Paete, Laguna katabi ng sinilangan kong bayan. Maraming salamat sa pagtityaga mong basahin ang maikling kwento ng aking buhay. PS: Ang Aking Love Story ay Coming Soon Po!

AT IYAN ANG BUMUBUO NG "BATTLE CRY OF MY LIFE" in tagalog "LUHA SA LABAN NG AKING BUHAY"

Thank You and God Bless!

NOTE: Kaya ko isinulat ang aking talambuhay hindi para ipagyabang ang aking mga tagumpay, isinulat ko ito para maging inspirasyon, ang mga bagay na hindi maganda sa sulating ito ay hindi na dapat subukan pang gayahinl. Pero ang pinakapunto ko d2 ay para marealize ninyo kung gaano kabuti si God sa akin, ,sa lahat ng aking naging laban kailan man hindi niya ako iniwan dahil tunay nga God is Good, All the Time! sirV™@GIGATT

<--PREVIOUS

My Hot Stuff
 
My Picture Slideshow
 

My Playlist
 

My Playlist
 

My Games
 
Dragon Wars Logo

Street Racing

Mafia Wars

Vampire Wars

Hold em Poker
 

This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?

Sign up for free