myspace matrix graphics - http://www.matrixtext.com


   
 
  ABOUT ME


       Hi, ako si Mhariel Tolentino Vargas, a.k.a. Sir V, ginawa ko ang website na ito upang maging tularan ng mga estudyante ko sa HTML Class namen, kaya nga malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng mga website na nakatulong sa aming paggawa ng website lalong lalo na sa www.own-free-website.com sa pagbibigay ng libreng webhosting.


       Ako ay isinilang sa payak na bayan ng Pakil, Laguna noong December 16, 1985. Mahabang kwento kung tutukuyin ang aking mga lugar na tinirahan mula pagkabata, dahil ang aking pamilya ay laging palipatlipat ng lugar sa kadahilanang hinahanap namin ang magandang gulong ng kapalaran para sa amin. Sabi ng aking nanay, ay mula pagkabata daw ay labas masok na ako sa hospital dahil napakasakitin ko daw. Uminom daw ako ng gas noong bata pa ako kaya tumirik ang mata ko. Napolio pa ako, pero buti na lang nakalakad pa ako, alay kasi ako sa Birhen ng Turumba at nakapanata ako sa Mt. Pingas. Nag aral ako ng mula Preparatory hanggang Grade 2 sa Guinayangan, Quezon, ang lugar na tinubuan ng father side ko. Pitong kilometro ang lakarin naming magkakapatid araw araw sa pagpasok at uwian para lamang makapasok kami sa aming paaralan sa bayan. Alas kwatro ng umaga ay gumigising na kami at naliligo sa napakalamig na ilog malapit sa aming bahay. At masaklap pa nito minsan kapag maulan ay maputik ang kalsadang aming nilalakaran at kapag minamalas malas pa ay madudulas ka o madadapa ka sa putik. Lahat ng iyon ay tiniis naming magkakapatid dahil sa kagustuhan naming makatapos ng pag aaral. Hindi ako ganun katalino pero hindi naman ako napag iiwanan sa klase, kahit sa reses ay hindi rin ako napag iiwanan, may kaklase ako kasi noon (Dianne Marquez) na napakabait na lagi akong binibigyan ng baon nyang mansanas or sandwich. Pero dumating ang araw na nakakarandam na ako ng inggit sa mga kaklase ko, nakikita ko kasi sila kumakain ng burger at umiinom ng softdrinks samantalang ako monay na may palamang peanut butter na inutang ko pa kay Aleng Carmen sa may gate ng aming paaralan ang aking merienda. Dahil sa kakaibang inggit na iyon, lalo akong nagpursige at nagsumikap, nag uuling ako tuwing Sabado ng mga baong pinagtigkalan ng kopra sa lukaran malapit sa aming bahay at ibinebenta ko ang mga uling sa bayan sa araw ng Linggo kasabay ng pagsisimba. Nagtinda rin ako ng pulboron sa klase namen sa halagang 0.50Php ang kada kutsara. Masarap ako magluto ng pulboron kaya nga laging ubos ang tinda ko at minsan kinukulang pa, pero sa kasamaang palad may dalawa akong kaklase na first time lang bumili saken sa tinagal tagal kong pagtitinda ng pulboron ang nagtae at ang napagbuntunan ay ang aking kawawang small business. Magtatapos na ako ng grade 2 ng umalis si mama ko patungong Pampanga. Pinapaningil kasi siya ng Lola Paring ko ng mga pautang niya doon. Dealer kasi ng season fruits ang lola ko sa palengke ng Pampang, sa Angeles City. Doon ay nakatiyempo ng suwerte si mama ko sa pagtitinda kaya pagkatapos ko ng grade 2 ko ay nagmigrate na kami sa Angeles, pero naiwan sa tita ko si Aiza, my younger little sister.

       Pagdating ko ng Pampanga nasabik ako sa mga nakita ko, naglalakihang mga gusali, naggagandahang mga sasakyan, malalaking restauran at iba't ibang fastfood chains. Pagkakita ko sa mga fastfood chain napalonok ako at nasabi ko ang mga katagang "lahat kayo pagsasawaan ko". Pero hindi naging ganun kadali ang lahat para sa akin sa Pampanga, doon nagumpisa na akong mamulat sa tunay na halaga ng pera, kasi nakatulong na ako ni mama ko sa pagtitinda. Noong una patinda tinda lang ako ng tali taling sibuyas, nirepack na mga sili, bugkos bugkos na saluyot, dahon ng ampalaya at mga dahon dahon na inaangkat pa ng aking ina mula sa Pangasinan. Pagdating ng mama ko galing biyahe ay sinasalubong ko na ang mga karga namen sa truck. Ako ang mga nag aayos ng mga paninda namen at nagdidilever ng mga order, pagkatapos ko magdeliver, magyayangyang naman ako ng mga dahon dahon at talbos, kapag medyo malamig na ay isasakay ko iyon sa kariton at didiligan sa karnehan malapit sa pwesto namen. Doon ako nakaranas umiyak ng hating gabi, habang nagdidilig ako ng mga talbos na ititinda ko sa madaling araw na darating ay nag iiyak ako kasi naiinggit ako sa mga kasing edad ko na kasalukuyang natutulog habang ako ay naglalamay pa sa mga talbos na aking dinidiligan. Pagkatapos ko magtinda ay isinusulit ko ang mga napagbentahan at binibigyan ako ni mama ko ng porsyento ng tinubo kaya nakakaipon ako. Minsan may alat din kami sa palengke, kapag masyadong matumal hindi namen napapaubos ang mga paninda namen, minsan nga nasa mahigit 300 taling sitaw ang natira namen, ang ginagawa ko kapag maraming tira dinadala ko ang mga yun sa kabilang palengke at maghapon kong ititinda kahit wala pa akong tulog, kailangan ko kasi magpakatatag eh para hindi kami malugi at maghirap muli. Sa pagtitinda ko sa palengke, siyempre hindi ako ganun kaayos ang bihis at madalas nadudumihan pa si palengke eh. Habang nagtitinda ako sa kabilang palengke ay nakarandam ako ng gutom, eh gusgusin ako, hindi ako pinapasok ng security guard ng jolibee ng una kong tangka, siguro napagkamalan akong pulubi kasi ang dusing dusing ko pero wise ata ang probinsyanong ito, hindi mo ako kayang tapak tapakan lang kahit mukha akong basahan. Inilagay ko ang pera ko sa kamay ko na animoy parang ayos ng pera ng mga drayber or kondoktor ng jeep, sabay pasok ako sa jolibee ng kunwari'y kakamot kamot ng ulo, eh di nakita ng guard na may pera ako, at take note, ndi lang pera hawak ko nun, marami eh, mga nasa mahigit dalawang libo yun kasi marami akong napagbentahan.hehe!To Manong Guard behlat!


NEXT-->

My Hot Stuff
 
My Picture Slideshow
 

My Playlist
 

My Playlist
 

My Games
 
Dragon Wars Logo

Street Racing

Mafia Wars

Vampire Wars

Hold em Poker
 

This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?

Sign up for free